Interesting Article from Holistic Wellness Biz Blog

http://www.holisticwellnessbiz.com/hwblogs/2010/10/28/importance-of-holistic-approach/


Just a little favor from yours truly. Please read above-mentioned link everyone. Thank you!

Bagong Simula... uli

Maraming nagdaan sa buhay ko na akala ko di na ako makakarating pa sa gusto kong puntahan. Siguro kasalanan ko na rin to, dahil masyado na rin akong naging pabaya sa sarili ko. Hindi lahat ng nag eenjoy ka e makakabubuti para sayo. Minsan kung ano yung pinaka ayaw na ayaw mong gawin yun pa yung tipong magbibigay sayo ng pangalan. Sa parehas na dahilan ng parang nagloloko ka at ang pangangatwiran mo ay marami pa naman bukas eh kaya enjoy muna. Oo, tama, marami ngang bukas na darating para sa atin pero marami ka rin palang kahapong sinayang.

Masasabi ko ngayon sa sarili ko na eto na ako, handa na akong harapin kung ano man ang magiging bukas na haharapin ko. Ang importante alam ko sa sarili ko na nasa tamang direksyon na ako. Magkamali man ako, alam ko pa rin bumalik sa umpisa.

At sana sa pagkakataong ito, nasa tamang landas nga ako. Basta ang iisipin ko ngayon, mayron akong Diyos na kasama palagi sa tabi at mga taong pinapahalagahan ako. Narealize ko na ang simula ng pagbabago ay dapat magmula sa sarili mo hindi dahil sabi sayo, kundi dahil kailangan mo. Maging masakit man ang lahat para sayo, isipin mo na lang na sa simula lang yan. Pagnasanay ka na sisiw na lang sayo yan at minsan baka nga tulugan mo pa.

Hindi naman sa nag reregret ako sa mga nangyari sa akin ng mga nakaraan, at para saan? ginawa ko yun, at kahit papaano meron akong natutunan sa mga kabalbalan ko sa buhay yun nga lang inabot ako ng ilang taon bago ko napagtanto yun. Di bale ang mahalaga, nagsisimula ka na, at hindi ka na pwedeng tapakan ng mga taong gumago sayo nung panahong pinupuri puri mo sila. Mas masasabi ko ngayon na hindi na ako kasing uto uto nung una nyo akong nakilala.

GCJR

Wanted: INSECURITY GUARD

Application for INSECURITY GUARD

Qualifications (m/f - All Ages)

1. Mahilig Mainggit at mag commento ng kaampalayahan
2. Marunong gumamit ng ibang tao para mang ampalaya
3. Must be Panget
4. Must be Masunget
5. Must be masama ugali
6. Must be maarte


Applicants may submit their resume to Kurdapya's Insecurity Agency's email address: insecurityguards@insecutityagency.com.



Sila ang mga taong nagpapa anghang ng buhay mo. Kung wala sila, it means boring ka. At kung walang naiinsecure sayo it means may tendencies kang maging insecure. Kung WALANG INSECURE sayo it means... wala kang dating sa masa. Kaya magpasalamat ka kung may mga INSECURE sayo. Mabuhay ang mga INSECURITY GUARDS!

Sabay sabay.... BACONED BRIEF RATE: 10/10 Baconed Briefs na may Skid marks.

Ampyness is in the Air PART 2 - Storya ng galit, iyak, asa, denial, at ampalayahan

Ang pag ibig ay punum puno ng ASA. ASA na magiging sila habambuhay kahit siya ay na-boo boogie nights (bugbog), ASA na magbabago sya kahit halos palitan na nya si Satanas sa kasamaan ng pag uugali. ASA na isang araw na sasabihin nya na mahal na mahal sya kahit walang sex na kapalit. at lahat ng ASA na hindi parang predictions ng PAGASA pagdating sa weather forecasting na madalas sablay. Lahat ng ito ay walang kinalaman sa blog ko, wala kasi akong maisip na introduction eh.

Ang buhay pag ibig na nauwi sa hindi magandang pagtatapos. Marami nito kung saan saan, mas madalas mo itong maririnig sa radio na may DJ na nambabastos ng callers na madalas kong marinig sa tuwing uuwi ako at babagtasin ang kahabaan ng EDSA. Sa anumang dahilan, eto yung madalas na stages na makikita sa pangkaraniwang pag ibig...


Stage 1 : GALIT - eto ang madalas na naguugat ng break up sa isang relasyon. Minsan sa mababaw na dahilan kagaya ng pagkurot sa itlog ng boyfriend, sa pagbibiro na mamatay na si girlfriend, sa pag bibiro na bakla si boyfriend o tomboy si girlfriend at marami pang shet na mababaw na dahilan. May mga malalim din na kagaya ng dahil sa hiwaga ng LANDI at LIBOG. At sa mga nabanggit ko, madalas mauwi sa isang away na parehas hindi magpapatalo. Sa bandang huli... BREAK NA.... wwwwwwwwwwweeeeeeeeeeeeh?

Stage 2 : IYAK - eto yung tinatawag na "Aftershock" ng away... madalas mong maririnig yung word na "I HATE __________ (Fill in the blanks)"... may konting sisi na nararamdaman sa loob, at poot na nararamdaman. Mas madalas mo itong makikita sa mga lugar na may mga kaalakan. Minsan kakanta ng mga paboritong lovesongs na kinakanta nila nung sila pa ay sweet sweetan. Tapos sabay babanat ang tropa ng... ALAK PA! habang ngumunguyngoy si broken hearted.

Stage 3: ASA - pagkatapos ilabas ang galit at poot, nalasing na, nagescandalo na, at lahat na ng kahihiyang pwedeng inabot mo sa pagdadalamhati sa sawing pagibig... eto na ang pinaka highlight ng lahat. ANG ASA... madalas yung iba dyan akala mo nag tetext yun pala may hinihintay na text. Ang iba minsan, magcocompose ng sorry text, pero dahil sa hiwaga ng "PRIDE" kaya yun nakalagay muna sa templates. At pag me nagtext akala mo bulateng nasabuyan ng asin, at madidismaya kung ang text sayo ay... "PLEASE PASS THIS MESSAGE TO YOUR 30 FRIENDS AND YOUR WISHES WILL COME TRUE" at dahil sa uto uto ka ipapasa mo nga naman ito, at sa bandang huli, naubusan ka na ng load, di mo pa naitext yung nasa template mong sorry message. May mga times din na pag nag ring ang telepono... tatakbo na yan na mas mabilis pa kay Speedy Gonzales.

Stage 4: DENIAL - dahil sa hindi na nagparamdam ang ex. dumarating sa punto na yung sasabihin mong... "DI SYA KAWALAN" sabay tatawa ng "HAHAHAHAHAHA (Tawa ala Vickie Guerrero)"... pero deep inside isa syang malaking kawalan sayo. Dahil kahit anong nangyari, pag tinamaan ka ng lintek, sya pa rin ang pinaka mahiwaga sa puso mo kahit halos bugbugin ka na ng tropa mo sa katangahan mo. Again... DI KO SYA KAWALAN, SAYANG LANG ANG GANDA KO SA KANYA, DI NA SYA MAKAKAHANAP PA NG KASING SARAP KO... ohaaaa!

STAGE 5: AMPYNESS - pag sawa ka ng ideny sya, eto na ang panghihinayang, pagkadismaya, na sana ganito sana ganyan... mas masaya kayo siguro kung di kayo nag away. Tapos pag yung isa naka move on na at ikaw hindi pa rin.... MAGIGING PANGET SA PANINGIN MO YUNG PINALIT NYA SAYO... at syempre itatanong mo ito sa mga tropa mo, kunwari consultation... at ano pa ba ang sasabihin ng tropa mo? AY OO ANG LAKI NG GANDA MO DYAN GIRL! Kahit sa totoo lang na mukha ka lang kilikili nung pinalit nya.

Hayzzzzzzzzzzz.

Usapang Kapulisan... Kapulitikahan....

Ok usapang pulitiko naman tayo, at iwasan muna natin ang mga kasawian, robot robotan at kung ano ano pa. Gusto ko naman ilabas ngayon ang aking saloobin tungkol sa mga ka shetan na nangyari nitong Lunes sa may Quirino Grandstand (Luneta) kung saan naging sikat nanaman ang Pilipinas dahil sa hostage drama na naganap. May mga ilang turista ring nadamay at nasaktan at ang pinakamasaklap, namatay.

Sinundan ko ang storya hanggang sa marealize ko na marami din dito ang dapat managot, hindi lamang ang SWAT at PNP o mismong si Mendoza, kundi dapat na rin sisihin dito ang ilang KININGINING CORRUPT NA OFFICIALS ng bansa natin na walang alam kundi mamulsa ng pera ng kabang bayan, na sana ginamit na lang para sa pagpapa upgrade ng mga Kagamitan pang pulisya, isama na rin dito ang training ng SWAT o ng PNP. Kung ikukumpara ko ang mga kagamitan ng mga alagad ng batas sa ibang bansa, para na lang tayong nangingiliti ng kaaway. Isa rin itong dahilan kung bakit di masugpo sugpo ang terorismo sa ating bansa.

Pangalawang bagay na dapat sisihin ang PANG AABUSO NG MEDIA SA KATAGANG "PRESS FREEDOM" na ewan ko ba kung ang mga mamamahayag natin sa bansa ay may malasakit sa Pilipinas o may mas malasakit pa sila sa RATINGS.

Si Mendoza ay kilalang premyadong pulis sa Maynila, nasibak ng dahil sa pagkakasangkot ng mga tauhan sa isang ka shetan. Ang tanong ko lang, kung talagang magaling siyang pulis bakit may mga tao syang hayok at ganid sa kurakutan at hindi nya ito nakikita? Paano sya napaparangalan kung mismong sa loob ng kanyang opisina ay may mga demonyong naglipana? HMMMMNNN???!

Ayokong sisihin ang taktika ng mga SWAT at PNP, dahil tulad nga ng una kong sinabi, hindi sila na train ng maayos, pero hindi ito excuse upang di sila masisi dito. Maraming nakakatawang eksena at nakakainis na eksena, kagaya ng Scene No. 1 Paghila ng pintuan ng bus gamit ang SWAT Patrol... POTEK e mukhang kakarag karag na yung sasakyan at eto pa gumamit ng lubid na mas matalim pa ata ang sinulid. Scene no. 2 Pag bitaw ng sledgehammer habang pinpukpok ang bintana ng tourist bus. Scene No. 3  Ang pag attempt ng isang mamang pulis na pumasok sa loob ng bus, at ang nakakatawa, yung mahilig sa extra rice at mahilig mag beerhouse ang pinapasok nila. e di BUMARA ang tiyan. Nung may marinig na putukan ayun bigla nagsitakbuhan ang mga kamote. SUS!


Ang larawan sa ibabaw na ito ay isang kahihiyan sa atin. Tuwang tuwa ang mga bitch na to na hindi man lang nila naisip na magdasal na lang at magbigay galang sa mga namatay. Haaayyy akala ata nila cute sila dito, sana lang din makatulog tong mga to!

At dahil sa photo na ito... bibigyan ko sila ng -10000000000 / 10 Baconed Briefs.

Salamat Tiyang Lugaw (Anacorita Biscoro Moraleda)

Nakakaiyak isipin na nilisan na kami ni Tiyang. Tiyang Lugaw ang tawag namin sa kanya, noon pa man di ko maintindihan kung bakit "Tiyang Lugaw" ang tawag sa kanya.

Ang hindi ko makakalimutan ay ang paborito kong kape na ewan ko ba sa lahat ng kape na natikman ko, yung timpla nya ang pinaka malupet. Maliit pa lang ako, alagang alaga na nya kaming magkapatid at mga pinsan ko kasama na ang tiyohin ko.

Salamat sa mga pagmamahal na ibinahagi mo sa amin, alam kong masaya ka na ngayon sa piling ni boss, ganun pa man di ko mapigilan ang sarili ko na malungkot sa pagkawala mo. Salamat sa kapeng tinitimpla mo sa akin pag may sakit ako na pag natitikman ko gumagaling ako. At salamat sa huling kape na itinimpla mo para sa akin nung huli tayong nagkita. Mamimiss kita ng sobra sobra.

BASTED KA BA? Version 2.0

Nabasted ka ba ng nililigawan mo na sobrang sobra mong crush, pero sa kabila ng mga pagpapaimpress mo e semplang ka pa rin sa kanya. Bakit nga ba nabasted ka?

Eto mga listahan na alam ko kung bakit ka nababasted....

1. mas trip nung nililigawan mo ung mas mukhang igorot pa sa yo - uso ngayon ang papangetan ng boyfriend, kasi naman maraming pogi sa tabi tabi, pero nakuha na rin ibang pogi sa tabi tabi. (meaning isa silang myembro ng pederasyun!)

2. baka naman sinabihan mo agad ng "i love you" wag ganun... di kapani paniwala un eh - e bakit mo naman kasi talaga sasabihan ng i love you agad, e pwede naman "I LIKE YOU" muna.

3. baka naman babae rin ang trip nya - ito yung kabaligtaran ng no. 1

4. ang mahiwagang "STRICT ANG PEYRENTS KO" - isa itong epektibong palusot kung ayaw sa yo ng babae. Pero may mga oras din na parang nasa base militar ang bahay ng nililigawan mo.

5. or mas mahiwagang "UNAHIN KO MUNA ANG AKING CAREER BAGO LOVELIFE" - kakaiba ang hiwaga ng career sa buhay ng tao, eto yung mga tipong workaholic yung nililigawan mo. Pwede ring nakita nya sayo na wala syang kinabukasan sayo at sya pa yung tipong bubuhay pa sa yo.

6. or pwede ring pinakitaan mo sya ng mga un-acceptable behaviors na kinaka-turnoff nya - minsan naman kasi di pa kayo binabantayan mo na agad at panay pa selos mo!

7. Pwede rin siguro na may BODY ODOR ka... inom ka ng gamot sa baradong ilong para maamoy mo sarili mo - Magpa konsulta sa doktor... ipatanggal ang barado ng ilong mo para ma realize mo na may pwersa ka ng atomic bomb sa kili kili.

8. binasahan mo sya ng mga 1980 pick up lines mo - nasa modernong panahon na tayo di na kumakagat ang "IKAW ANG LAHAT SA AKIN" at "PIPITASIN KO ANG MGA BITUIN SA LANGIT PARA SAYO (kung yung kulangot mo nga di mo pa mapitas bituin pa kaya?)"

9. baka mas trip nya mga kantang pang ip ap (HIP HOP) tapos ikaw ay rakista and vice versa - kung di nga naman kayo parehas trip ng music e baka mabato naman kayo parehas.


10. sadyang di ka marunong manligaw... - IKAW NA... IKAW NA ang hari ng sablay!

Bevs Baguinon... Tribute to a BESPREN

Alam ko na medyo huli na ako in terms of everything. Alam ko wala akong nagawa nung mga oras na kailangan mo ng tulong. Ni hindi ko man lang naibigay ang pangako kong Wendy's burger. Umasa kasi ako na makikita pa kita uli na malakas, masaya at kung ano ano pa.

Nawalan ako ng guts na dalawin ka kasi di ko kayang makita ang kalagayan mo, nung huli kitang makita halos nanlumo ako sa mga nakita ko. Alam ko na isa kang mabuting bespren, sa panahong ako ay hindi.

Sa panahong kinailangan mo ako, nawala ako na parang bula, naging busy ako sa mga bagay bagay. Nakalimutan ko na may kaibigan nga pala ako. Huli man ang lahat para sa akin na sabihin to, ngunit alam mo na ito ay mula pa sa dulo ng puso ko at galing ito sa Hypothalamus ko.... Namimiss na kita bespren.

Akusahan na ako ng kung ano ano, pero sa ating dalawa alam natin na ginagawa ko ito bilang pasasalamat sayo. Salamat sa mga panahong binigyan mo ng kahulugan ang pagkatao ko. Ginawa mo ispesyal ang pagkatao ko. Salamat sa pag iinsist na kamukha ko si Brendan Fraser hahahahaha. ay Brendan Eraser pala. Salamat sa pag share mo ng mga buhay pag ibig mo na ikinatutuwa ko ng lubos. Lumisan ka man ay naging masaya naman ang lovelife mo.

Ipagpatawad mo ang lahat ng mga nasabi ko, nagawa ko, at mga di ko nagawa para sayo.

Salamat bespren.

Beverly "Bevs" Baguinon
July 15, 1979 - March 30, 2010

"death ends a life, not a relationship"

Mapait na Katotohanan... BINALEWALANG PAGMAMAHAL!

Ang buhay pagibig ay nararanasan ng bawat katauhan sa mundong ibabaw na ito. Pag hindi ka marunong nito mabuti pang lumipad ka kasama ng mga ipis na naglipana sa tabi tabi. Nakakainis minsan isipin na may mga taong mas pinipiling mahalin ang ibang mga bagay, tulad ng pag dodota, pag ka counterstrike, pag raragnarok, pag da drugs, pag patong kung kani kanino at marami pang mga kaututan sa buhay kaysa pahalagahan ang isang taong handang magsakripisyo para sayo. At sa bandang huli pag na umpog kakanta ka na lang ng "BOOM BOOM POW".


Sa mga ganitong sitwasyon ang masasabi ko lang eh, kung gusto mo talaga magmahal, medyo bawasan ang pagiging adik sa mga nabanggit ko sa taas, pero kung gusto mo talaga maglaro habang buhay, bitiwan mo na yung mga taong umaasa sayo. Dumating man ang punto na matauhan ka na mahal mo pala sya kaysa sa mga kung ano ano, at bigyan ka ng isa pang pagkakataon, lagi mo iisipin na yun na ang huli mong pagkakataon, pero kung talagang natauhan na sya sa lahat ng mga paghihintay nya sayo, yung tipong nakagat na sya ng mga insekto sa kakahintay nya sayo, rumespeto ka at irespeto mo ang lahat. Gaya ng pag respeto nya sa pag ka humaling mo sa kung ano anong bisyo.

Ang mga ito ay panandaliang libangan lang na pwede nating gawin araw araw. Pero pag ang tao minahal ka make sure na kailangan mo itong namnamin unless kung ikaw yung tipong ginagamit ang "Love" sa kung ano anong palusot at mga imbento na tinatalo mo pa ang mga barberohan ni Manong Bruno.

Darating din ang araw na ikaw naman ay magmamahal at pag nangyari ang mga ginawa mo, pwede mong kantahin ang "BEH BUTI NGA! BEH BUTI NGA! BEH BEH BEH BEH BUTI NGA!"

Sa mga tatamaan paumanhin po, pero eto ay opinion ko lang... kung di mo ako maintindihan, press refresh and read it again, or kung mas trip mo, i print mo ito sa bond paper, gawin mong reading material sa kubeta at pag katapos presto may instant punasan ka na....

Why do people fall in love ba?

Why do fifol pol in lab ba? Yan ang madalas na tanong ng mga taong nakakaranas ng matinding ampalaya sa buhay pag ibig. Isang tanong na may halong pang aasar sa sarili. Pero naisip ko rin na Why do people fall in love?

Kung di naman nga kasi tayo magmamahal e baka naman tumanda tayong mag isa, or kung di man ang makakasama natin e mga kapwa matatanda sa iisang lugar, inaalagaan ng di naman natin kilala. Pero minsan kasi ang tao nakakaranas ng kasawian sa pag ibig na nauuwi sa pagiging hater (ooops tamaan wag magagalit). Ang di kasi natin maintindihan minsan ay para makita natin ang tunay na pagmamahal, kailangan natin mag mahal ng magmahal kahit mali. Magmahal ng may asawa, mag mahal ng mas mahal pa ang magkamot ng itlog, magmahal ng taong frustrated boxer (mahilig manakit), magmahal ng sobrang weird, magmahal ng sobrang hilig pumatong kung kani kanino, magmahal ng taong frigid, magmahal ng nagiging bading o tomboy at kung ano ano pang shet. Lahat ng yan pwede mong mahalin, at dyan mo rin marerealize na iba talaga ang hanap mo. Kumbaga, you'll gonna love several wrong people just to have a true love you've always dreamed of.

Mahirap talaga mahanap ang true love, pero para makita mo talaga sya, sabi ng iba, kailangan mong dumaan sa lahat ng mga kengkoy na pagmamahal, maswerte ka na lang kung ikaw yung tipong, first love, last love. 

Kaya sa mga laging sawi sa buhay pag ibig, makikita nyo rin yan someday, pero yan ay kung matatauhan kayo sa mga nangyari sa past nyo, kumbaga e gagawin nyong stepping stone. Pero kung love ka ng love at paulit ulit lang din... habang buhay mong itatanong sa sarili mo, WHY DO PEOPLE FALL IN LOVE BA?

AMPYNESS IS IN THE AIR!

AMPY - short for AMPALAYA, or sa ingles ang tawag ay BITTER MELON, kung gaano yan kapait kainin, ganyan din minsan ang pait ng buhay ng tao.

Dumadaan tayo sa prosesong halos ayaw mo na mabuhay dahil iniwan ka ng syota mong may malakas na pwersa ng kaputukan, syota mong pumatol sa bading/ tomboy, syota mong pinagpalit ka sa mas maasim pa sa sukang paombong ang pagmumukha, syota mong mas importante pa ang pagkakamot ng itlog kaysa sa alalahanin ka, at kung ano ano pang shet na alam sa buhay. Sino ang di ma AMPY pag ganito ba naman ang nangyari sayo?

Pero gaya nga ng sinabi ko sa una kong post, hindi kasalanan ng bote ng gin, karaokeng hinuhulugan ng 5 Piso, barkada mong magulong kausap, magulang mong walang alam gawin kundi ang palakihin ka ng tama, lumilipad na ipis, o ng asong naghihimod ng itlog.... kundi ikaw mismo. Dahil na rin sa kabulagan sa pag ibig kaya ayan.... pero magsisihan ba? wag na diba?

Mahirap gawin ang mag move on, hindi yan pag sinabi mo yun na, hindi rin yan kasing dali ng pag bili ng suka sa tindahan ni Aleng Sepya, pero mas madaling mag move on kung sisimulan mo sa sarili mo, ikaw mismo ang tutulong sa sarili mo. 

Sa abot ng aking makakaya eto ang mga suggestions ko para maka move on:

1. Patawarin sarili - walang ibang dapat ihingi ng tawad kundi sa sarili. Natural sa tao ang magkamali, hindi ka Diyos para maging perpekto.

2. Patawarin ang iba - syempre hindi lang naman ito one man show, kundi patawarin mo rin yung mga taong gumawa sayo ng mga nabanggit ko sa taas. Dun sila maligaya, hayaan mo silang maging maligaya dun. Darating din ang panahon na magiging problemado rin sila sa buhay nila. Dumating man yun, problema na nila yun at di na sayo... unless gusto mong umepal.

3. Wag makinig ng lovesongs - dahil sa bawat lyrics na mapapakingan mo e maalala mo lang ng maalala ang pait ng karanasan na naramdaman mo. At sa bawat "I LOVED YOU" na line, iiyak ka ng bonggang bongga. So wag na, tama na yung nasaktan ka ng tao pati ba naman sa kanta sasaktan ka pa rin... AWNESS!

4. Kausapin ang mga tropa mo - Dahil kahit alam nilang mali ka sa bandang huli, ikaw pa rin ang kakampi nila, makapagbibigay sila ng mga obserbasyon nila sa mga di mo makita kita (isama mo na rin yung di mo maamoy amoy). With less than 100 pesos (pambili ng chicha at gin), solb na ang kwentuhan mo at marerealize mo rin na ang tanga mo pala.

5. Tanggapin ang katotohanan - Kailangang tanggapin ang katotohanan na minsan ang tao kahit gaano katalino nagiging bobo at worst nagkakaroon pa ng Alzheimer (dahil nakakalimutan ang sarili at nagiging isa na lang ang tao sa mundo)

6. Magdasal - ETO ang pinaka da best. Dahil sya lang ang makakatulong sa atin sa lahat ng bagay, Name it!


PROSESO NG ISANG MAPAIT AT TANGANG PAGIBIG


SA BABAE

1. Hahanap ng poging pogi lalaki. (Minsan nga kahit panget go na me matawag lang na boyfriend)
2. Magpapacute, magpapaka kikay, maglalandi hanggang sa ligawan
3. Sasagutin kahit di pa kilala ng husto
4. Magiging tanga at habang bulag tanga (na kadalasan nauuwi sa pisikalan)
5. Masasaktan, iiyak, magsusumbong sa tropa
6. Magsasalita ng "I HATE HIM! I HATE HIM!"
7. Konting lambuching, sorry at props (Bulaklak, flowers, sorry text)
8. Bati na uli, hindi na nya hate si guy
9. Repeat step 3

SA LALAKE


1. Hahanap ng magandang babae. (Or kahit hipon-like beauties pwede na!)

2. Magiging magaling na imbentor para mag pa impress.
3. Liligawan si girl kahit alam na maraming boyfriend
4. Magiging tanga at habang bulag tanga (na kadalasan nauuwi sa break)

5. Masasaktan, iiyak, magsusumbong sa tropa
6. Magsasalita ng "I HATE HER! I HATE HER! SHE'S A BITCH!"
7. Susuyuin si Girl sa kabila ng mga sinabing masasamang salita kay girl
8. liligawan uli si girl at sinagot uli.... repeat step 4... otherwise
9. Repeat step 1

Para kay katotong Albino at mga Katotong Torps (Version 2.0)

Version 1.0 was posted on my friendster account many years ago. Since hindi na uso ang friendster kaya gawan natin ng 2nd Version..

It goes something like this.... (para din to kay pareng kunradow)


WARNING: May pag ka sarkastik ito, pero totoo naman to, kaya sorry kung masasaktan ka, but still im your friend.

PARA DIN ITO SA MGA KININGINING TORPE JAN SA TABI TABI.. Isipin mo to…

maraming paraan para ipatunay ang nararamdaman…
pwede sa tula, pwede sa text, pwede sa facebook shoutout,
pwede sa phone, pwede sa pader at pwede rin sa alikabok,

pero pinaka da best syempre sa personal.

pero kahit anong gawin mo kung ayaw sau… tigilan mo na…
hoping pa rin ba? heheheh
eniweis, wala naman masama dun, pero kung yang
kiningining nararamdaman mo eh sinabi mo pa
noon pa e baka malamang ngayon.. kayo na..

pwede ring matagal ka ng nabasted at
naka move on ka na ngayon…. (puede ring ganun)

at kung gagawa ka ng tula, text quotes, at kung
ano ano pang shet, make sure i - address
mo dun sa taong gusto mong pag alayan,

maaring nararamdaman nya na para sa kanya yun
pero at the same time nag aalangan din dahil mahirap
nga naman maging ASSUMING! (ASA ang tawag dun)

Kaya yun… sa dami ng ibang manliligaw nya
syempre dun na sya sa siguradong sa kanya
nga nanliligaw ung tao
kahit ba mukhang winalop ng durian ang mukha
at least alam nyang sya talaga ang nililigawan

puwede rin nyang i- entertain ang mga palipad hangin mong tula,
pero katulad nga ng sinabi ko hindi na sya nag ASSUME, naniguro na sya,
kaya ayan ikaw na palipad hangin boy, sumama sa hangin..
kasama nararamdaman mo, yung mga killer poems at mga 1980 pickup lines.
hayzzzzzzz!

Sana mapulutan mo ng aral to, dahil kung hindi… SHET KA!

Isang mapait na katotohanan... PASAWAY

Seryoso muna tayo. Tigil ko muna pag gawa ng mga robot robotan, pang aasar sa mga kaibigan ko nung Highschool at sa MP Community. Gusto ko lang sabihin ang isang mapait na katotohanan na lumalaro sa isip ko.

Isang mapait na katotohanan sa mundong ito ay ang maging pasaway na sa kabila ng lahat payo sayo hindi ka pa rin sumusunod. Minsan akala mo kaaway mo na ang lahat kapag sinasabi nilang mali ang ginagawa mo. Sa mata ng lahat mali pero sayo ok lang kasi masaya ka pa. Ang masasabi ko, ok lang yan, basta walang sisihan. Sabi nga, kung san ka masaya susuportahan kita. Pag nasaktan ka, iyak ka lang marerealize mo rin naman yan pag nakadilat ka na sa isang mapait na katotohanang bulag talaga ang puso.

Proseso ng SAWING pagibig:

1. Hanap ganda babae/ lalake
2. Liligawan kahit di pa kilala ng husto (sa lalake)
3. Magpapakita ng motibong gusto mo sya ng bonggang bongga (sa babae)
4. Pag sinagot - mamahalin ng sobra kahit di ka mahal
5. Kakalimutan ang ibang tropa dahil sa lunod ng pag - ibig
6. Pag nagka break...
     6.1 lalapit sa tropa
     6.2 iiyak at hahagulgol
     6.3 malalasing at mag eenglish habang lasing
     6.4 kakanta ng lovesongs kahit palyado boses
     6.5 laging sasabihin ayaw na mabuhay pero takot naman magpakamatay

7. Tapos pag ok ka na... repeat step 1

Update (Tieren Taozi)

Painted it already! sa wakas! Medyo pumalkpak ako sa painting coz in the end, i quit trying spraycans and instead hand brushed the kit. Here are the results...

I used

Aqueos  Hobby Color - Rose Pink
Tamiya Weathering Master Set for the rust effect
and Tamiya Enamel - Gunmetal Color


the pics....




Oh by the way pardon the pics, i only used my Cam Phone hihihihihihihihi!

Numbskull


Presenting, the MP Bidyilanti Numbskull Div Logo. Proud member and ready to whoop some A$$.

Ang Walang kamatayang: BACONED BRIEFS RATE: 10 / 10 Bacons + 219289132343838293891283 Hits

UPDATE!

Primed na po sya... although nadisgrasya dun sa mga naunang parts kasi nalaglag... plus kinapos pa ng primer syomay naman!!


here are the pics

UPDATE WIP: TIEREN TAOZI

Here's a little update...

finished sanding na. here are the pics


Thanks to Michael Angelo Santos AKA gxmania of Mechapinoy for the pics

EAT DA POOOPOO




BACONED RATE: 1/10 Bacons.... nawalan ng gana! ahahahahahah

Mechapinoy.ORG

visit main website at http://www.mechapinoy.org and http://www.mechapinoy.org/forum

It is always my honor to be associated with this organization. Been in this org since 2006 of December.

BACONED BRIEFS RATE: 10 / 10 Bacons + 12 Dozens of Eggs

UPDATE (TIEREN TAOZI) - CONCEPTUALIZATION

I used Serpent Custom Weapons as my Tieren's Main weapon... what do you think? see pic below...

just used camphone so pardon the Image quality.




thanks.... comments are highly appreciated

DAY 2: SANDING PROCESS

Thanks to Doc Aion Macopa's Tips about sanding. I used 3M Fine Sanding (bought it from Sir Mike Tan) and Nail Filer (or whatever you call it, pls correct me if im wrong, bought it from Japan Home Chuva). Please see Pics below...


 WEAPON

Eto na, sa aking pagkalkal sa mga scraps bigla ko na lang nakita yung isang pew pew pew kong scrap at sinubukan ilagay sa Double Gatling Gun, see pic below


Subok lang hehehehe

WIP: TIEREN TAOZI

a possible entry for THE BITCH IS BACK: MECHA FEMME please visit MECHAPINOY FOR MORE



BACONED FACTS

 HG 00: Tieren Taozi
Pilot: Soma Peries


BEHIND THE LIPS

HIS TOUNGE IS GREAT (daw!), dahil sa makabagong teknolohiya ng mundong ito gusto ko bigyan ng Baconed Briefs rate si Dmaximo Oliveros. (see below pics)

BACONED BRIEFS RATE: 10/10 Bacons

 


I give 10 bacons dahil siya ang nag imbento ng mga Korean Boy Band group dito sa loob ng opisina, sya rin ang may taglay na pinakamagaling na dila sa buong mundo, siya rin ang may pinaka astig na dila sa buong mundo, at siya rin ang may pinaka unique na dila sa mundo.... PERO... lahat ng ito ay gawa gawa ko lang. Paunawa po.

sa dahilang pwede nyong gamitin ang picture nya sa mga sumusunod
1. Panakot ng Daga (Common na ito)
2. Gawing target picture (Darts, Archery etc)
3. Pwedeng gawing inspirasyon sa buhay ng mga taong nagsasabing LIFE SUCKS




MOVIE NI JEN MENDOZA AT DODIE BARCIAL

MOVIE NI JEN MENDOZA AT DODIE BARCIAL (RATED PG - PANG GAGO)

BACONED BRIEFS RATE: 9/10 



Ang pelikulang pinilahan ng mga Jejemons... mahusay ang pelikulang ito dahil mala Romeo at Juliet ang dating. sa sobrang ganda ng pelikulang ito... narealize ko na pauso ko lang pala to

MG 0 Gundam from BW MkII

BACONED BRIEFS RATE: 3/10 Bacons



I gave 3 Bacons for the Box Art Design effort. Whoever did this "KEEP IT UNDERGROUND"

Macopa's Version of HGUC RX-78 G3 Gundam

BACONED BRIEFS RATE: 10/10 Bacons




I give 10 for this project. Im a fan of RX 78 and this stands out the best. Of course this was modified by Mr. Aion Agustin AKA Doc Macops of BIDYILANTI PWNING GROUP OF COMPANIES.

This is just one out of many masterpiece of Aion, please visit WWW.MECHAION.TK and http://mechaion.blogspot.com

Gouf Custom + GM Custom One of my favorites

BACONED BRIEFS RATE: 10/10 BACONS



Modeler : Raymond Limpin (IT Supervisor - Winsource Solutions Inc)
Photos : Jaycon da Bacon. (Labandero - every sunday)
Reputation : 6th Place in Bakuc 2009.

one of my favorites, not because he is my boss. I'm sure if you've seen this kit in person you'll gonna love it.


Click RAYMOND LIMPIN's blog for more

Baconed Briefs presh prom da punzals

BACONED RATE: 1100/10 Bacons



ewan ko ba sa tuwa ko sa picture na ito di ko mapigilang tumawa ng tumawa. Eto rin siguro ang mga brief ng mga Jejemon. jejejejejejeje!

Sa mga Tiga suporta ng TT Hongli.... YARI KA! HAHAHAHA!

Nabasa ko lang to sa blog ni Pareng Ngee Khiong

TT HONGLI BABAY!

FOR SALE:

Rare Pirated Edition:
1/144 HG00 Exia

for only 15000.00
Up for grabs now!

ADS from Amazon

Sikat na Blog

PROUD MEMBER

MP BIDYILANTI
NUMBSKULL DIV

numbskull