About

Ako po si Gil Concepcion, maginoo pero minsan lang bastos. Isa po akong magko kompyuter sa isang magandang kumpanya sa siyudad ng Taguig. Isa rin akong Web Developer pero secret lang natin yun ha? wag mo pagsasabi. Tumatanggap din ako ng labada, plantsa, kulot, gupit pagsapit ng linggo. :P

Marunong ako magsulat ng mga walang kawawaang ka shetan sa mundong ibabaw, pero sa abot ng aking makakaya naipapakita ko sa buong mundo na may kakayahan akong magbigay ng payo lalo na sa mga taong mahilig malito.

Marami rin akong pinagdadaanan gaya ng normal na tao sa mundo, OO tama ka tao ako na may taglay na kagwapuhan pero hindi ako perpekto at hindi rin naman ako tanga. Mahilig akong manalipandas ng mga taong katali talipandas. Madalas akong busy sa work at sa mga kung ano anong pang mahahalagang bagay na pwede kong ikayaman. Oo tama ka, gusto ko rin naman yumaman at maligo sa salapi. Minsan gusto ko pag nag dive ako sa swimming pool puro pera laman... wag lang coins.

Sa mga taong di makaintindi ng pagkatao ko, wag nyo na ako pagka abalahan dahil di naman kayo yayaman sa akin, at sa mga taong gusto akong alamin, salamat at sana hindi dahil sa masamang paraan kaya gusto nyong alamin ang lahat.

Mahilig akong mangolekta ng robot robotan at tanke tankehan, mabuting ito na lang ang kolektahin ko kaysa mambabae ako at umuwing laseng at bangag.

Madalas akong may toyo sa kukote, dahil isinisilang pa lang ako talipandas na ako... (Pahirapan daw sa pag ire sa akin)... Pero pag nag mahal ako putsa daig ko pa ang nag aalaga ng limang pomeranian. Kaya pag sinabi kong mahal kita... MAHAL KITA ITIENDEZ?


Mahilig din akong mag ala "MIKE ENRIQUEZ" (pero di ko kamukha yun)... pag nakakakita ako ng HERSHEY's, CADBURY AT ALMONDS.... HINDI KO YAN TATANTANAN!

at higit sa lahat... ISA PO AKONG GWAPO...(ANG UMANGAL KAMUKHA KO)

ADS from Amazon

Sikat na Blog

PROUD MEMBER

MP BIDYILANTI
NUMBSKULL DIV

numbskull