Collection of Unscrupulous PH Taxi Drivers



Dahil kayo ngayon ang paborito ko, eto lang naman ang gagawin ko sa inyo, lahat ng taxing tinanggihan ako sa di ko maintindihang dahilan, di ko kayo papatawarin. At ang iba pa sa inyo napaka walang modo. Madaling magdagdag mga manong, pero sana hintayin nyo ng kusa. Napaghahalataan tuloy kayo.

Minsan di ko rin maintindihan kung bakit panay ang reklamo nyo na kesyo ganito, kesyo ganyan pero panay naman ang tanggi nyo, lalo na kung di nyo trip ung lugar ng pasahero. Ang masasabi ko lang palitan nyo na yung isang portion ng signs nyo where it says "TO ANY POINT OF LUZON" ng "TO ANY POINT I PREFER with PLUS PLUS"

So far: Eto ang nasa listahan ko at ilalagay ko rin Plate numbers nyo dahil sa mga nakakabuwisit nyong dahilan. Bubuwisitin ko rin kayo ngayon. Pasensyahan tayo pero kung dahil sa naging mabait lang kayo di ko na gagawin to. My friends and audience... kayo na ang bahala humusga.

PLATE NO. UVW667 STURDY TAXI (Yellow) 8:00 PM Chinatown Mall 12/26/2012 - Namimili lang naman tong hunghang na to. Ayaw kami isakay at yung mga sumunod na pasahero pagkatapos namin tinanggihan din.

PLATE NO. TXD933 (White) - Soler St. - Nangongontrata si parekoy. Gusto nya akong magbayad ng 150 from Soler to R. Papa. Usually ang metro from that point only takes 90.00 or less. TSK TSK TSK!

PLATE NO. UVJ793 R &E Taxi Soler St. - Ayaw ako isakay dahil pa QC raw ang punta nya. Pero ang location ko is near Caloocan kung tutuusin on his way din.

PLATE NO. UVX803 D COLONEL TAXI - Tinanggihan ako nito dahil may kumontrata sa kanyang 250. Samantalang mas nauna akong pumara. Sarap hambalusin!

eto ang pinaka favorite ko sa lahat. Yung pinaka makapal ang mukha

PLATE NO.TYC 839 ILDEFONSO VASALLO - Sinisingil kami ng 300 from Soler st. to Buendia Terminal. Nung tinanong ko kung sira ba metro nya, gawa naman daw. Pero dahil sa nag park daw sya kaya nya kami sisingilin ng 300. Ayos diba? Nagpark sya tapos sa pasahero sisingilin yung binayad sa parking ni kuya. Tangina mo!

Yan muna folks! I already tweeted this @LTFRB_official pero mukhang deadma naman kaya dito na lang ako nagpost.

ADS from Amazon

Sikat na Blog

PROUD MEMBER

MP BIDYILANTI
NUMBSKULL DIV

numbskull