Congratulations kay Loyd at Grace.


Gusto kong isigaw sa buong mundo na sa wakas kinasal na rin kayong dalawa! I've been waiting for this moment for how many years. Sa mga di nakakaalam, bestfriend ko si Loyd mula nung kami ay mga uhugin pa. Di ko sukat akalaing ikinasal na sya ngayon. Naalala ko pa nung mga bata pa kami, mahilig kaming maglaro ng mga di nilalaro ng mga karaniwang bata. Ang magsuntukan ng pakunwari, marami kaming nadedenggoy na kakilala, kalaro hanggang sa marealize nila na ginu good time lang namin sila ni Loyd. Pag pagod na kami sa katarantaduhan uupo kami sa isang tabi kahit saan ke marumi yung uupuan, o bulok na jeep basta pwede naming upuan. Dun namin sisimulan ang mang alipusta ng mga dumadaang babae. Bibigyan namin ng special ratings kung maganda ka o panget ka. Kami ang tinagurian Evil Twin Brothers. Dahil iisa lang ang wavelength ng utak namin pag dating sa mga kalokohan.

Sa pagbibigay namin ng ratings ng bawat dumaan na babae bigla syang may pinakita sa aking picture ng babae. Cute naman yun lang nga parang si Ula dahil para pa syang mukhang ewan noon. Sabi ko "Sino yan pare?" sagot nya "Si Grace gustong gusto ko to pare!" tanong ko "Gusto mo bang ligawan?" Dahil sa isang member ng TORPEDO SQUAD si Loyd, di nya nasagot ang tanong ko. Di ko alam kung paano siya sinagot ni Grace pero sa pagkakaalam ko gumamit ng kapangyaring itim si Loyd hahahaha joke. Pero sa totoo lang bilib din ako dahil talagang nag lakas na sya ng loob manligaw at sinagot naman. Hanggang sa parehas na kami tumanda na (although mas matanda ako kay Loyd), sila pa rin. Naka ilang palit na ata ako ng GF e si Loyd kay Grace pa rin at natutuwa naman ako dahil sobrang mahal na mahal ni Grace si Loyd. Ganun din naman si Loyd kay Grace. Tinanong ko kung kelan sila magpapakasal dahil matagal na silang magkarelasyon. Taliwas sa mga nababalitaan kong pag sobrang tagal na nila, nagkakahiwalay na pero ibahin nyo si Loyd at Grace. Sila ang perfect example at inspiration ng mga taong nagmamahalan.

Kaya saludo ako sa inyo. Mahal ko kayong parehas at tuparin nyo ang pinangako nyong "For better or worst, till death do you part". Best wishes Loyd and Grace.

Pahabol: etong buwan na to puro kasal ang inattendan ko at maraming kinasal na kakilala ko rin... hmmmmnnn Sign ba ito?

Bacon Ratings: 10/10 Baconed Briefs

Medyik! (Magic)

Noong bata pa lang ako, pag tuwing piyesta, may mga performers sa stage, yung iba kakanta, yung iba sasayaw na halos sirain ang stage. Karamihan dinadaan sa padamihan ng tumbling... oo pag marami kang tumbling marami kang fans. Natutuwa rin ako sa mga umaarteng badinger Z na sinasabunutan sa stage. Meron pang Miss Gay pero para sa akin di yata Miss Gay Beauty Pageant yun kundi Ms. San Lazaro Horse Club Beauty Pageant dahil akala mo mga kabayong bading ang sumasali. Mga host na ang pinaka ginagamit na linya ay "MGA KAIBIGAN" .At ang pinaka hinihintay ko sa lahat yung pag mamagic ng magikero.(alangan naman magic ng kabayo?) Hangang hanga ako sa pagpeperform ng mga magikero. Akala ko totoong may mga kapangyarihan sila.

Teka... ano nga ba kinalaman ng intro at title ko sa blog entry ko na to? wala lang.... gusto ko lang sabihing nanonood ako ng mga magikero. Pero eto na talaga...

Akala ko na ang magic ay ginagawa lang ng mga performers sa stage, na realize ko rin na meron din pala minsang pagkakahawig sa mga tunay na pangyayari sa buhay. Marami akong na miss na bali balita dahil sa pagiging abaka sa work, OO tama ka, nagtatrabaho ako at hindi pumepetiks kaya nga nagulat ako sa magic na nangyari sa akin hahahaha... (Gusto nyo alamin ang full details?... you may send your request by texting MAGIC space Name space Suking Tindahan and send it to 2344 for Globe, Smart, Sun, TNT, TM, Red Subscribers)

Dahil sa pagkakataong yun, nagkaroon ako ng oras para manood ng tv at mag internet, may napanood akong isang MAGIC din kung saan yung host ng show e aliw na aliw sa pagsasayaw ng bata ng Macho Dancer. Di pwede sabihing hindi sya naaliw dahil paulit ulit nyang pinasayaw. Ang masasabi ko rito e, hindi na dapat pa ginawa yun on national television dahil una ang sagwa eh. Pangalawa pag lumaki yung bata, parang magiging kahihyan yun lalo pa ngayong ang teknolohiya e parang kabuteng tubo ng tubo kung saan saan.  At para sa magulang sana wag gawing negosyo ang mga anak yun lang, magtrabaho ng maayos para may makain sa araw araw.Eto ay opinyon ko lang din, (baka mademanda eh  ahahahaha) pwede sabihing mali ang opinyon ko, pero para sa akin eh walang tama o maling opinyon. Lahat tayo may kanya kanyang opinyon, taliwas sa paniniwala mo o hinde, opinyon yun! At kung ako ay may kakayahang magdonate ng 1m sa organisasyon, di ko na sasabihin pa yun on national television, lumalabas na para ka lang pala nagpapapansin at di bukal sa loob ang pagtulong. Dahil sa issue na ito, MAGIC dumami ang taong pumapansin na sa issue. (isa na ako dun)

Marami pang magic na mapapansin sa araw araw na pamumuhay, katulad na lang pag sakay mo ng taxi. May magic din dahil kahit minsan pag nagbayad ka ng sobra, ang kulang ay sukli. Na magic din yung sukli hehehehe.

Meron din magic na paglumandi ang bebot may susulpot na lalaki sa tabi. (vice versa)

at marami pang magic....


Ikaw anong magic ang alam mo bukod sa commercial ni John Lloyd?

ADS from Amazon

Sikat na Blog

PROUD MEMBER

MP BIDYILANTI
NUMBSKULL DIV

numbskull