Sa pagpasok ko sa trabaho bawat umaga hanggang sa paguwi ko, ang unang sasalubong sa akin bata... batang nasa edad 8 pataas, kumpulang nanghihingi ng barya sa mga bawat dumadaang tao. At sa kabilang banda makikita mong mga kabataang nagsusugal ng cara cruz, sabay hithit ng sigarilyo at rugby. At ang pinaka masaklap lumakad ka lang ng konti sa kinaroroonan ng mga batang palaboy ay ang presintong ginastusan ng gobyerno este ng taong bayan bilang proteksyon sa mamayan partikular ang mga kabataan. Ang presinto na sinasabi ko ay laging walang laman, isa lang pala itong display sa aming lugar.
Photos courtesy of http://www.jamesbiron.com
Sinubukan kong bumili ng diyaryo, at ang laman ng pahayagan... "Kinse anyos na anak nireyp ang nanay!"... "7 Kabataan patay sa rambulan"... "15 anyos na binatilyo nahuling nandudukot"... at kung ano anong kabalbalan at ka shetan ang alam sa mundo. At isa lang ang pinagmulan ng mga balitang ito... Droga at Kahirapan.
Ayokong sisihin ang gobyerno pero ayokong sabihing wala silang pananagutan sa mga ganitong usapin. Ang mga magulang na siyang dapat na maging gabay sa kanila ay mismo pang pasimuno ng mga kagaguhan.
... may pag asa pa nga ba talaga ang kinabukasan??? O kalimutan na lang natin si Rizal. Magpalit na lang din tayo ng pambansang bayani... hmmmmnnnnn.... gawin na lang natin si "Mark Zucherberg(tama ba spelling ko?)"
PS: Sa mga masasaktan... pasensya na po pero eto po ay base lang sa aking obserbasyon... pwedeng tama ako o pwedeng mali rin ako...
Gil Concepcion