Why do people fall in love ba?

Why do fifol pol in lab ba? Yan ang madalas na tanong ng mga taong nakakaranas ng matinding ampalaya sa buhay pag ibig. Isang tanong na may halong pang aasar sa sarili. Pero naisip ko rin na Why do people fall in love?

Kung di naman nga kasi tayo magmamahal e baka naman tumanda tayong mag isa, or kung di man ang makakasama natin e mga kapwa matatanda sa iisang lugar, inaalagaan ng di naman natin kilala. Pero minsan kasi ang tao nakakaranas ng kasawian sa pag ibig na nauuwi sa pagiging hater (ooops tamaan wag magagalit). Ang di kasi natin maintindihan minsan ay para makita natin ang tunay na pagmamahal, kailangan natin mag mahal ng magmahal kahit mali. Magmahal ng may asawa, mag mahal ng mas mahal pa ang magkamot ng itlog, magmahal ng taong frustrated boxer (mahilig manakit), magmahal ng sobrang weird, magmahal ng sobrang hilig pumatong kung kani kanino, magmahal ng taong frigid, magmahal ng nagiging bading o tomboy at kung ano ano pang shet. Lahat ng yan pwede mong mahalin, at dyan mo rin marerealize na iba talaga ang hanap mo. Kumbaga, you'll gonna love several wrong people just to have a true love you've always dreamed of.

Mahirap talaga mahanap ang true love, pero para makita mo talaga sya, sabi ng iba, kailangan mong dumaan sa lahat ng mga kengkoy na pagmamahal, maswerte ka na lang kung ikaw yung tipong, first love, last love. 

Kaya sa mga laging sawi sa buhay pag ibig, makikita nyo rin yan someday, pero yan ay kung matatauhan kayo sa mga nangyari sa past nyo, kumbaga e gagawin nyong stepping stone. Pero kung love ka ng love at paulit ulit lang din... habang buhay mong itatanong sa sarili mo, WHY DO PEOPLE FALL IN LOVE BA?

0 Comments:

Post a Comment

ADS from Amazon

Sikat na Blog

PROUD MEMBER

MP BIDYILANTI
NUMBSKULL DIV

numbskull