So Many Thank Yous

2011, tapos na ang taong punung puno ng kontrobersya, galit, pagibig at buhay empleyado. Maraming mga nagdaang bagay na akala kong di ko malalampasan, pero sa tulong ng mga taong nakapaligid sa akin gusto ko kayong pasalamatan. Dahil kung wala kayo malamang di ko alam kung anong direksyon ang meron ako.

Gusto kong pasalamatan una ang mga taong naniwala sa akin. Salamat sa pagtitiwala at sa pagbigay ng pagkakataong mapatunayan kong mabuti akong tao. Sa mga nagdaang krisis ng buhay ko, andiyan kayo para suportahan ako. Salamat sa Ensogo, sa pagbibigay sa akin ng bagong simula at patuloy na maganda ang takbo ng aking career. Sa ESA lalo na kay Mam Cherry at Sir Raymond, sa patuloy na pagbibigay sa akin ng projects at inuman sa Chicboy Timog. Sa mga dating kasamahan ko sa Winsource, mga kaibigan ko sa Obrero, at mga barkada ko mula sa Saint Joseph at AMA,  dahil sa pagiging mabuti nyo sa akin. Sa mga kasamahan ko sa Mechapinoy, salamat din at through the years andiyan lang kayo. Sa mga Bidyilantis, na naging takbuhan ko sa lahat ng problema ko. Sa pamilya ko, dahil sa patuloy na pag iintindi at pagaalaga sa akin. Higit sa lahat kay INA, sa lahat ng pagmamahal at pagtyatyaga sa akin.

Gusto ko rin pasalamatan ang mga taong naglagay sa akin sa alanganing lugar... alam nyo na kung sino sino kayo. Dahil binigyan nyo ako ng daan patungo sa mabuting lugar. At di ako magiging ganito kasaya kung di kayo dumating sa buhay ko.Marami rami rin akong natutunan ng dahil sa mga bagay na ginawa nyo sa akin. Salamat ng marami rin at nawa'y magbagong buhay na rin kayo hehehehe.

2012, eto nananaman ang bagong simula, sana mas maging maganda ang buhay ng bawat isa, sana mawala na rin ang mga kontrobersya at mga kung ano anong ka shetan. Sana lahat ay magbagong buhay na rin. Iwanan na ang mga nangyari sa 2011, dalhin ang mga natutunan sa 2012.


Gil Concepcion 4:27 AM 1/1/2012

Adidas King of the Road Experience

I SURVIVED THE 16.8KM run at Adidas King Of the Road held at The Fort, Global City Taguig last October 23, 2011. Wheeeeeew! I never knew i will finish this race even though most of the time all I did  is to walk. My legs got cramped and cant even run on the last few Kms., finished the race with 2:57, I know its not a good record but like I said in my post in Miles for Smiles, its the whole fun that matters most. Achieving what you dont think you can.




The "Piggy Piggy Oink Oink na hikain" can run.

Steve Jobs 1955-2011

(Source Picture: Apple Website)

Steven P. Jobs, 56 years old, Former CEO of Apple, passed away this October 5th, 2011 after a long struggle with pancreatic cancer. This is a big loss for all of us who supported his great ideas. Technology wont be this excited if it wasn't from him.


To you, We thank you.

Kristina Abesamis - A Vote for Ms. World Tourism 2011 Campaign

Hi everyone, I am asking you guys a little favor, i will be needing your 5-seconds of your time to vote for Kristina Abesamis. I watched how this young beautiful kid turned into a lady. And now she is joining Ms. World Tourism 2011. And i realized how fast time is.






 http://www.facebook.com/photo.php?fbid=178976255512064&set=a.178975178845505.43664.156922471050776&type=1&theater



Your vote is very much appreciated. Thanks

Miles for Smiles - Gil Concepcion


My Miles for Smiles (Run for Cleft Care)10k Category Result. Held at The Fort, Taguig. This is my way of helping children with Cleft Lip and Palate. It may not be the best or could it be a worst record for someone, but I am proud to say I made it to the finish line without a cheat. It's how I enjoy running that matters despite of my gum problems.

For race results you may check it here.

Transformers, transformers, transformers...


L-R (Back: Jazz (THFD), Rescue Ratchet (G1 Colors); Mid: Constructicons (G2); Front: Bonecrusher, Brawl, Megatron, Starscream, Hook)



Another addiction of mine. I guess the child in me never grew up!

Pictures & Models - Top Blogs Philippines

Orange Bloom Day Spa



Day Spas are everywhere, as a matter of fact, its booming and become another necessity for each. But then again, which of these spas can give you the "Spa-tisfaction Guaran-damn-teed? "

Well, I already found the best, the Orange Bloom Day Spa

Organized, neat, clean, staff are very accommodating, services are more than what we paid for.

Best spa experience ever! No other words can express how much I am satisfied with Orange Bloom Day Spa.

Located at Main st, Aventine cor BF Drive BFRV, 1746 Las Piñas, Philippines

Visit their facebook page: http://www.facebook.com/orangebloomspa


-Gil Concepcion

Kut Quotes by Gil Concepcion: Incompetent

Di nakakamatay ang sabihan ka ng "Incompetent". Ang nakakamamatay ay yung hindi mo alam na "Incompetent" ka.




Gil Concepcion

Mga tanong na di ko rin masagot...

1. Bakit pag nagkakaroon ng matinding break ups.. Nagiging CHEATER ang lahat ng Lalaki sa mundo?

2. Pero pag ang babae ang nanloloko ng lalaki... bakit wala akong naririnig na "MGA CHEATER LAHAT NG BABAE SA MUNDO"??

3. Bakit nag boboyfriend ng babaero ang babae at kapag naloko isisi sa lahat ng lalaki? Bakit di na lang mag boyfriend ng di siya lolokohin?

4. Bakit pag lasing ang tao nagiging makulit?

5. Bakit ang iba sa ating mga pinoy dinidiscriminate ang mga "Bisaya", "Negro", "Tsekwa", "Bietkong", pero pag tayo na ang dinidiscriminate ng ibang lahi, pikon tayo?

6. Sino ba si Teteng pag tinawag kang "ANAK KA NG TETENG!"?

7. Bakit marami na ring choosy na panget? (Kapal ng mga pagmumukha!)

8. Bakit may mga taong pinipili ang may sabit? Tapos iiyak pag nasaktan?

9. Bakit minsan sa LRT pag pinaupo mo babae makakarinig ka pa ng Side Comment na "HAY SALAMAT NAGPAUPO RIN!" bakit di na lang mag "THANK YOU"?

10. Bakit may mga taong sadyang matigas ang mukha... naka argabyado na, gusto nila sila pa ang lumabas na naargabyado?

Gil Concepcion's Gunpla Collection

As of this date 8/19/2011

Let me just show you my collections.








The collection started at around 2006 of December. A friend of mine Raymond Carls went to some toy shops to buy presents for my "inaanak". Raymond ask me to build it instead of giving it, curious that I am, I agreed on Raymond's devlish advice. And viola, since then I became a fan of Gundam. I joined a forum group Mechapinoy, back then I was getting bullied by some mods and members,because I was too egoistic and doesnt want to get bullied by someone I didn't knew. But when I get to know them and of course followed all the rules, my passion with gunpla became an addiction. I have friends in MP who understands me more, they became my "barkada".

Back to my collection, I never knew that this will go far, as you all know, the kid in me never grew old and also, the collection was just an excuse for myself to forget someone. It really helps me getting over with that someone who left me into pieces. I didnt say you do the same thing, but I can say, diversion is an effective way to forget someone.

I know, when time comes, I will stop buying for some reasons, but one thing's for sure, My gunplas will remain in my room.

How to Delivery Bad News

KUMIRIRING ang telepono nang madaling araw....

"Hello, Master Carlos? Si Arnaldo po ito, 'yung
katiwala niyo sa bahay-bakasyunan niyo."

"O, Arnaldo, ikaw pala. Ano't napatawag ka? May
problema ba?

"Um, napatawag lang po ako para abisuhan kayo na
namatay ang alaga niyong parrot."

'Yung parrot kong si Pikoy, patay? 'Yung nanalo sa
bird show?

"Opo, Master Carlos, 'yun na nga po."

"Putris .. sayang! Ang laki pa naman ng nagastos ko
sa ibong 'yon.
Hay, buhay! Teka, ano nga ba ang ikinamatay niya?"

"E, kumain po kasi ng bulok na karne...."

"Bulok na karne? At sino namang salbaheng tao ang
nagpakain sa kanya ng bulok na karne?"

"W-Wala po. Nanginain po siya ng karne ng isang patay
na kabayo."

"Patay na kabayo? Anong patay na kabayo, Arnaldo?"

"E, 'yun pung mga thoroughbred horses niyo, Sir.
Namatay po kasi lahat sila sa pagod, kahihila ng
kariton ng tubig."

"Nasisiraan ka na ba ng bait? Anong kariton ng
tubbbiiiiggggg? "

"'Yun pong pinampatay namin ng sunog."

"Diyos ko po! Anong sunog naman 'yang pinagsasasabi
mo?"

"'Yun pong halos tumupok sa bahay niyo.... Tumumba po
'yung isang nakasinding kandila, tapos nagliyab 'yung
kurtina at mabilis na kumalat ang apoy..."

"Ano? Puuut*#*@?!@ .... E, may kuryente naman diyan sa
bahay-bakasyunan, a.
Para saan 'yung kandila?"

"Para sa burol po."

"Ano? Kaninong burol?

"Sa nanay n'yo po, Sir. Bigla kasi siya dumating dito
nu'ng isang gabi, walang kaabi-abiso. Lampas
hatinggabi na. Akala ko po magnanakaw. Binaril ko."

Kwentuhan ni Kurdapya at ni Kamote (uncut version)

"Originally posted wayback 2000+ kopong kopong"

May nagtext sa akin at nabasa ko lang kagabi lang... pero yung text nya nung isang araw pa.. halatang di nag checheck ng inbox ampotah. Busy sa kakalaro ng Farmtown buwiset. Anyway, eto yung text nya... "QUAMOTE, LAST DAY NA DAW NI KURDAPYA KAHAPON, ME ALAM KA BA KUNG BAKIT?" Gulat ako sa text ni KUCHICHAS.So, tinext ko tong si Kurdapya para tanungin kung totoo. Gulat na lang ako nung sinabi nya di totoo. Biglang nag flash back sa akin yung mga time na magkasama pa kami ni Kurdaps, maraming bolsyet na tao na power trip lang ang alam.

Dahil hurt si kurdaps, at naguilty naman ako dahil hindi ko akalain na didibdibin nya yun text ko. So para sumaya ang lahat pinairal ko ang talent ko bilang talipandasero.Sinabi ko na wag ng dibdibin yun dahil kung sa kaalaman lang sa trabaho, olats kami run, kasi mga inuugat na sila dun samantalang kami e bagong tubo pa lang. "Oi Kurdaps, alam mo may mga bagay na alam nila kaysa sa atin kasi matagal na nilang alam yun, pero mayron silang mga di alam na alam natin, kagaya halimbawa ng KAPANGITAN NILA, di nila alam yun. Isama mo na yung katangahan dahil ang alam nila mga magagandang nilalang sila at patuloy nilang niloloko mga sarili nila" Ayun natawa ang gaga tapos sabay bwelta ng "Hindi naman nakakamatay yung bigyan ka ng mababang grade eh, pwede mo pang pataasin yun... ang nakakamatay yung depression, dahil sa magaling ka nga pero di mo naman maipagmalaki pagmumukha mo dahil mukha kang bakulaw at ang pinaka masaklap walang gamot sa kapangitan... kahit mag pa plastic surgeon ka pa at maging kahawig mo si Diana Zubiri... laman loob mo panget pa rin!"

Ayun so ok na si Kurdaps.

MG RX-78 NT-1 by Aion Agustin

THE BACONATOR IS BACK! and for today's post, I present MG RX-78NT-1 modeled by Aion Agustin aka dr.feelgood of Mechapinoy


BB Rate: 10/10 Baconed Briefs.

more pics here and here

The PGH Experience/ Incident

July 2, 2011, Sabado yun, ako ang napagutusang magbantay sa tita kong may sakit na naka confine sa Philippine General Hospital Room 415 4th Floor. Pagpasok ko pa lang ng hospital napansin ko na medyo lax sa security ang hospital. Walang effort akong nakapasok knowing na bulky ang dala dala kong gamit. At first medyo ok lang kasi di ko na kailangan pang kalkalin ang gamit like the usual LRT/MRT Security guards na sinusundot lang laman ng bag mo yun na. Pag pasok ko sa room semi-private siya pero kami na lang ng mga kamag anak ko ang nandun kasi naka labas na ng hospital yung isang kasama.

Medyo magalang naman mga nurses, as in parang tropa lang. Naisip ko na hindi pala talaga lahat ng government employee sa Pilipinas e may kapangyarihang maging masungit. Wala akong nakitang any signs na katulad ng nakikita ko sa mga Government offices like City Hall at LRT/MRT na walang kasing bastos.

Ok balik uli sa hospital, sinubukan kong libangin sarili ko gamit ang dala kong laptop na sobrang pinaghirapan ko. Nagdala na rin ako ng 2 box ng unbuilt gundam just in case lang na maboring ako. Labas masok ang mga nurses check ng bp, pakain sa tita ko etc, ako deadma lang kasi medyo palagay ang loob ko sa kanila. Kaya lang gaya ng isang normal na tao, marunong din ako antukin. Alas dos ng madaling araw nakaidlip ako, pagising gising din pag me papasok na nurse, or pag inubo ang tita ko, pero ang mga oras na yun laging nagtatalo ang antok ko at diwa.

5:00 AM, may pumasok na nurse upang mag palit ng diaper, napansin ng kasama ko na nawawala ang Cellphone nya. Since naka line ako ng Globe, inalok ko na i miss call siya kaya lang.... NAWAWALA NA RIN PALA ANG GAMIT KO. Tinangay ng magnanakaw ang gamit ko. Laptop ko, cellphone ko, wallet, charger ng isa kong laptop lahat natangay halos. Sa sobrang gulat ko nag freak out na ako nanghingi ng tulong sa PGH Security at Nurses na wala naman nagawa.

Tao ako, nagagalit, pero may dahilan akong magalit... hanggang sa mapagisipan kong kwestyunin ang Security ng hospital... WALANG CCTV... ang mga roving guards parang walang idea na may nakawan na nangyayari. Radyo dito radyo dun wala naman nagawa. At ang iba sa kanila nakita kong nakanganga natutulog hayz.

Sinubukan ko rin kwestyunin ang mga nurse dahil sila lang ang nakakita na may laptop ako. May naging defensive at sinabing pinagbibintangan ko, pero ang sinabi ko lang.... "SOMEONE FROM HERE" ibig sabihin wala akong tinurong sinoman.

Palpak ang seguridad ng PGH. Walang CCTV dahil di raw afford ng hospital... HELLO! hindi nauubusan ng patiente ang PGH, sustentado ng gobyerno ang PGH, dahil dito napupunta ang binabayaran kong tax buwan buwan.

Sana sa makakabasa, maging silbing aral ito, dahil naging malaking aral ito sa akin. Magingat na lang po lalo kung ang hospital ay isang pagmamay ari ng gobyerno. Tandaan, ikaw na ang nawalan ikaw pa ang me kasalanan.

Ensogo Website

Check out latest deals from Ensogo Philippines. Get as much as 90% Discount. Please visit http://www.ensogo.com.ph




http://www.ensogo.com.ph/manila/david-salon-makati-pque-pasay.html




http://www.ensogo.com.ph/manila/love-loss-600-parent.html



http://www.ensogo.com.ph/manila/aa-plaza-hotel-599.html


Ano nga sabi ni Rizal?

Ano nga ba uli ang sinabi ni Rizal tungkol sa kabataan... "Ang kabataan ang pag asa ng kinabukasan ng ating bayan". Kalat ito sa mga textbook na binabasa ko mula grade school hanggang sa mag kolehiyo ako. Alam kong wala akong karapatang manghusga, pero base sa aking mga nakikita ko sa paligid, na tila ang mga kabataan ay napapariwara na.

Sa pagpasok ko sa trabaho bawat umaga hanggang sa paguwi ko, ang unang sasalubong sa akin bata... batang nasa edad 8 pataas, kumpulang nanghihingi ng barya sa mga bawat dumadaang tao. At sa kabilang banda makikita mong mga kabataang nagsusugal ng cara cruz, sabay hithit ng sigarilyo at rugby. At ang pinaka masaklap lumakad ka lang ng konti sa kinaroroonan ng mga batang palaboy ay ang presintong ginastusan ng gobyerno este ng taong bayan bilang proteksyon sa mamayan partikular ang mga kabataan. Ang presinto na sinasabi ko ay laging walang laman, isa lang pala itong display sa aming lugar.

Photos courtesy of http://www.jamesbiron.com


Sinubukan kong bumili ng diyaryo, at ang laman ng pahayagan... "Kinse anyos na anak nireyp ang nanay!"... "7 Kabataan patay sa rambulan"... "15 anyos na binatilyo nahuling nandudukot"... at kung ano anong kabalbalan at ka shetan ang alam sa mundo. At isa lang ang pinagmulan ng mga balitang ito... Droga at Kahirapan.

Ayokong sisihin ang gobyerno pero ayokong sabihing wala silang pananagutan sa mga ganitong usapin. Ang mga magulang na siyang dapat na maging gabay sa kanila ay mismo pang pasimuno ng mga kagaguhan.


... may pag asa pa nga ba talaga ang kinabukasan??? O kalimutan na lang natin si Rizal. Magpalit na lang din tayo ng pambansang bayani... hmmmmnnnnn.... gawin na lang natin si "Mark Zucherberg(tama ba spelling ko?)"


PS: Sa mga masasaktan... pasensya na po pero eto po ay base lang sa aking obserbasyon... pwedeng tama ako o pwedeng mali rin ako...

Gil Concepcion

Condolence to my bestfriend Alvin Perez

http://vinoeperez.wordpress.com/2011/06/17/i-love-you-mommy/

I never met her step mom, but I believe she was a perfect mom for both Alvin and Allan. To tita Elsie, I regret for not knowing you, but from the bottom of my heart, You may find peace in God's place. Sleep well. You may rest in peace.

Copy This! - Thoughts about Piracy

Daming tao pa rin sa mundo na dahil sa kakulangan sa pinansyal, napipilitang bumili ng mga piratang bagay kagaya ng DVD, Audio CD, Chocolates, Damit, etc. Ito yung mga madalas mong makita sa kalye ng Divisoria, Quiapo at kung saan saan pa. Naitanong ko na rin minsan sa sarili ko na kung ano nga ba talaga mapapala ko sa pag bili ng mga japeyks.

Una magkamukha nga sila, ang pinagkaiba presyo. Mas sobrang bagsak presyo ang mga pirated stuffs, so sobrang cheap akala mo panalo ka na. Ang di natin narerealize is yung kalidad ng bawat binibili natin. Minsan sa sobrang baba ng uri ng material na ginagamit sa kanya nauuwi sa sayang ang lahat.

Buying pirated GUNPLA was a big NO NO to me, the only point i can use it is on dioramas but heckers, for everything else there's always Erwin Baino (Shameless plug for pareng Erwin) who always sells gunpla scraps, so i wont be needing it. Sosyal pa scraps ko Bandai pa! Back to my topic... bootleg supporters says that on Pirated Gunpla's you can get the same satisfaction with the Bandai's original kit. Plus you save a lot of bucks on buying one. Ok, so i tried to buy one to see it for myself. Excited i may be, it took me more than two hours to built a 1/144 kit, i can finish a snap-built gunpla in less than 45 minutes averagely. The plastics are very poor in means of quality, inconsistent connectors, Polycaps got some excess plastics which affects the whole building process. At the end of day, all i got is a bunch of stupid dismantled gunpla. Such a waste, others call it "EPIC FAIL!" So, I proved that these pirated gunplas are really a waste of time, money and effort. No satisfaction in my end. I wasted a 250 bucks for a crappy gunpla.I could buy a cheap built Bandai Gunpla in Mechapinoy or some forum site. I went back to a page where i saw someone humbly proud of his pirated gunpla collections and even got a review of each pirated kits that he got, i raised my middle finger... laughed at his delusional reviews, crossed out the page and never visited the page again.

Kut-Quotes by Gil Concepcion

Bless those that curse you. Be good to those who hate you. Pray for those who wrongfully use you!

Gil Concepcion's Favorite - Monster Hunter on PSP

Ok, balik naman sa kalokohan uli, nitong mga huling araw marami na akong na mimiss na gawin katulad ng pag gimik, pag kakaron ng maraming time kay pag ibig, at ang maglaro ng PSP. Di ko namalayan na lumabas na pala sa PSP yung Monster Hunter 3. I still remember the days with my co IT Staff, Dmax, Clint and the other OJTs wayback in WSI. Pag oras na ng uwian namin we give an extra 30 minutes to play Monster Hunter, ang pinaka favorite kong part is yung pagpapaslang namin kay Tigrex. Sobrang ngit ngit factor ang pag patay sa kanya mag isa dahil sobrang liksi nya.

Now... maraming salamat kay Cris Suratos, for giving me a copy of Monster Hunter Three,also for upgrading my Firmware. i can now play MH on my free time. Ngitngit Factor is back! So guys... Diyan na muna kayo lalabanan ko pa Rathian eh... lols.

Mechapinoy

Congratulations kay Loyd at Grace.


Gusto kong isigaw sa buong mundo na sa wakas kinasal na rin kayong dalawa! I've been waiting for this moment for how many years. Sa mga di nakakaalam, bestfriend ko si Loyd mula nung kami ay mga uhugin pa. Di ko sukat akalaing ikinasal na sya ngayon. Naalala ko pa nung mga bata pa kami, mahilig kaming maglaro ng mga di nilalaro ng mga karaniwang bata. Ang magsuntukan ng pakunwari, marami kaming nadedenggoy na kakilala, kalaro hanggang sa marealize nila na ginu good time lang namin sila ni Loyd. Pag pagod na kami sa katarantaduhan uupo kami sa isang tabi kahit saan ke marumi yung uupuan, o bulok na jeep basta pwede naming upuan. Dun namin sisimulan ang mang alipusta ng mga dumadaang babae. Bibigyan namin ng special ratings kung maganda ka o panget ka. Kami ang tinagurian Evil Twin Brothers. Dahil iisa lang ang wavelength ng utak namin pag dating sa mga kalokohan.

Sa pagbibigay namin ng ratings ng bawat dumaan na babae bigla syang may pinakita sa aking picture ng babae. Cute naman yun lang nga parang si Ula dahil para pa syang mukhang ewan noon. Sabi ko "Sino yan pare?" sagot nya "Si Grace gustong gusto ko to pare!" tanong ko "Gusto mo bang ligawan?" Dahil sa isang member ng TORPEDO SQUAD si Loyd, di nya nasagot ang tanong ko. Di ko alam kung paano siya sinagot ni Grace pero sa pagkakaalam ko gumamit ng kapangyaring itim si Loyd hahahaha joke. Pero sa totoo lang bilib din ako dahil talagang nag lakas na sya ng loob manligaw at sinagot naman. Hanggang sa parehas na kami tumanda na (although mas matanda ako kay Loyd), sila pa rin. Naka ilang palit na ata ako ng GF e si Loyd kay Grace pa rin at natutuwa naman ako dahil sobrang mahal na mahal ni Grace si Loyd. Ganun din naman si Loyd kay Grace. Tinanong ko kung kelan sila magpapakasal dahil matagal na silang magkarelasyon. Taliwas sa mga nababalitaan kong pag sobrang tagal na nila, nagkakahiwalay na pero ibahin nyo si Loyd at Grace. Sila ang perfect example at inspiration ng mga taong nagmamahalan.

Kaya saludo ako sa inyo. Mahal ko kayong parehas at tuparin nyo ang pinangako nyong "For better or worst, till death do you part". Best wishes Loyd and Grace.

Pahabol: etong buwan na to puro kasal ang inattendan ko at maraming kinasal na kakilala ko rin... hmmmmnnn Sign ba ito?

Bacon Ratings: 10/10 Baconed Briefs

Medyik! (Magic)

Noong bata pa lang ako, pag tuwing piyesta, may mga performers sa stage, yung iba kakanta, yung iba sasayaw na halos sirain ang stage. Karamihan dinadaan sa padamihan ng tumbling... oo pag marami kang tumbling marami kang fans. Natutuwa rin ako sa mga umaarteng badinger Z na sinasabunutan sa stage. Meron pang Miss Gay pero para sa akin di yata Miss Gay Beauty Pageant yun kundi Ms. San Lazaro Horse Club Beauty Pageant dahil akala mo mga kabayong bading ang sumasali. Mga host na ang pinaka ginagamit na linya ay "MGA KAIBIGAN" .At ang pinaka hinihintay ko sa lahat yung pag mamagic ng magikero.(alangan naman magic ng kabayo?) Hangang hanga ako sa pagpeperform ng mga magikero. Akala ko totoong may mga kapangyarihan sila.

Teka... ano nga ba kinalaman ng intro at title ko sa blog entry ko na to? wala lang.... gusto ko lang sabihing nanonood ako ng mga magikero. Pero eto na talaga...

Akala ko na ang magic ay ginagawa lang ng mga performers sa stage, na realize ko rin na meron din pala minsang pagkakahawig sa mga tunay na pangyayari sa buhay. Marami akong na miss na bali balita dahil sa pagiging abaka sa work, OO tama ka, nagtatrabaho ako at hindi pumepetiks kaya nga nagulat ako sa magic na nangyari sa akin hahahaha... (Gusto nyo alamin ang full details?... you may send your request by texting MAGIC space Name space Suking Tindahan and send it to 2344 for Globe, Smart, Sun, TNT, TM, Red Subscribers)

Dahil sa pagkakataong yun, nagkaroon ako ng oras para manood ng tv at mag internet, may napanood akong isang MAGIC din kung saan yung host ng show e aliw na aliw sa pagsasayaw ng bata ng Macho Dancer. Di pwede sabihing hindi sya naaliw dahil paulit ulit nyang pinasayaw. Ang masasabi ko rito e, hindi na dapat pa ginawa yun on national television dahil una ang sagwa eh. Pangalawa pag lumaki yung bata, parang magiging kahihyan yun lalo pa ngayong ang teknolohiya e parang kabuteng tubo ng tubo kung saan saan.  At para sa magulang sana wag gawing negosyo ang mga anak yun lang, magtrabaho ng maayos para may makain sa araw araw.Eto ay opinyon ko lang din, (baka mademanda eh  ahahahaha) pwede sabihing mali ang opinyon ko, pero para sa akin eh walang tama o maling opinyon. Lahat tayo may kanya kanyang opinyon, taliwas sa paniniwala mo o hinde, opinyon yun! At kung ako ay may kakayahang magdonate ng 1m sa organisasyon, di ko na sasabihin pa yun on national television, lumalabas na para ka lang pala nagpapapansin at di bukal sa loob ang pagtulong. Dahil sa issue na ito, MAGIC dumami ang taong pumapansin na sa issue. (isa na ako dun)

Marami pang magic na mapapansin sa araw araw na pamumuhay, katulad na lang pag sakay mo ng taxi. May magic din dahil kahit minsan pag nagbayad ka ng sobra, ang kulang ay sukli. Na magic din yung sukli hehehehe.

Meron din magic na paglumandi ang bebot may susulpot na lalaki sa tabi. (vice versa)

at marami pang magic....


Ikaw anong magic ang alam mo bukod sa commercial ni John Lloyd?

Mga Kwentong Pagibig at Kamote

Lahat naman ng tao dumadaaan sa masayang pagibig at sa panget na pagibig. Pag naranasan mo parehas yan, masasabi mong maswerte ka kasi kaya mong itimbang kung ano ang gusto mong mangyari sa buhay ng pagibig mo.

Gusto ko lang i share sa inyo ang mga dinanas ko sa larangan ng salitang "PAGIBIG" hindi para iparating sa lahat kung gaano ako ka ampalaya sa mga naging karanasan ko kundi para i share kung paano nga ba ako bumangon mula sa pagiging engot ko sa salitang yan. OO tama ka, naging biktima rin ako ng tangang pagmamahal.

Nung una akong nagmahal ng bongga, college pa lang ako nun, me nakilala ako sa MIRC. Oo pare tama ka OLD SKUL na yun ngayon, pero dati wala pa yang YM YM na yan. Bigla lang ako nahiwagaan kasi parang ang saya saya makipag chat sa MIRC. Mga di mo kilala nakikipag gaguhan ka. ENNNNIIIWWEEEYSSS, sinubukan kong i broadcast ang PAGER ko hahahahaha. At meron naman nag bigay ng telephone number kaya ako naman tinawagan ko. Ganda ng boses, mukhang malambing, ayos to ah. Sinubukan kong makipag kita na kahit sobrang layo nya dahil sa Las Pinas pa sya na nakatira. At nung time na yun namamahalan na ako sa pamasahe dahil estudyante lang ako nun. Nagkita kami, at mas lalo akong nagka interes dahil me sense naman sya kausap. Hanggang sa na inlab ako sa kanya at naging kami naman. Pero parang ginago naman ako ng lintek na kapalaran, yun pala eh may bf si Gaga. At nung time na nalaman ko yun pokalakala malalim na pagkakainlab ko sa kanya. Hanggang sa nagdesisyon akong maghintay na lang sa kanya. Pero nabalewala yun, dahil next thing i knew, nakipag live in na sya sa bf nyang kamukha ni Rommel Adducul. hahahaha. Nalungkot ako sa mga nangyari at dahil nga sa kanya ko naranasan yung nagseryoso ako. Hayz buhey. Paano ko ba sya nakalimutan??? Wala isang araw nagising na lang ako ordinaryong araw na lang ang lahat. Inisip ko rin na ang tanga tanga ko kaya yun ang nagbigay ng dahilan para makalimutan ko si Las Pinas Girl.

Lumipas ang ilang taon, nakilala ko naman sa isang concert ang next girl na minahal ko rin ng bonggang bongga. This time double the katangahan ang ginawa ko.Me nangyaring di maganda sa gf ko, kung ano man yun wag nyo na alamin basta di maganda. At sa kabila ng nangyari sa kanya mahal na mahal ko pa rin sya na parang siya na lang ang buhay ko. At sa murang edad ko gusto ko syang pakasalan. Buti na lang talaga at matalino sya at di sya pumayag sa gusto kong mangyari. Siguro ngayon hirap ako buhayin sila kasi di naman ako stable during that time. Naka move on ako dahil pagkatapos ng mga tagpong yun, syang nawala na parang bula.

May pinakilala sa akin ang classmate ko nung college na kabarkada nya, tiga bulacan. That time me boyfriend sya pero nagkakalabuan na sila. Dahil sa type  ko sya, hindi na ako nag aksya ng panahong ligawan sya, kesehoda kung bagong break sila. Hindi naman nagtagal at sinagot naman nya ako. Tuwing weekend lang kami nagkikita kasi araw araw akong pumapasok sa work at Sundays ko lang sya makikita or kung di man pag lumuwas sya ng manila para mag apply ng work. After 6 months break na, kasi binawi na sya sa akin nung boyfriend nya, narealize ko sakit pala ng ganun. SHET!

Nakilala ko naman sya sa opisina nung nagtatrabaho pa ako yung sumunod na babaeng minahal ko nanaman ng bonggang bongga. This time triple the katangahan, triple the kabobohan. Although di ko rin masabi na talagang naging bobo ako, dahil minahal naman daw nya ako at umabot din kami ng isang taon at kalahati. Akala ng lahat kami na talaga ang magkakatuluyan dahil sweet kung sweet.Me mga times na nag aaway kami pero madali naman nasosolve kasi nga sweet kung sweet ang motto namin dalawa. Hanggang sa minsang mabato ako sa paglalaro ng Counter Strike with her, e naglaro naman ako ng online game. Medyo naadik ako kasi nga medyo cool sya. Inintroduce ko rin sa kanya yung laro, kasi nga sweet kung sweet. Naglalaro habang nag iibigan, kasi sweet kung sweet. ANNNYYWAYSSSSS... as time goes by medyo nakakasawa rin yung araw araw mo syang nilalaro kaya medyo nahinto ako at nag focus na lang ako sa mga bagay bagay na ikakasaya niya kasi nga gusto ko na rin malagay sa katahimikan that time. Hinayaan ko na lang sya maglaro ng maglaro, at ako naman hala hagod sa pagwowork. Di ko namalayan na me umaaligid na palang kansuswit sa kanya, at di nagtagal nagkadebelopan silang dalawa.Nagpatawad ako sa akalang, lalayuan na nya yung guy at pinagkatiwalaan pa rin.  Hanggang sa i break na nya ako, dahil sa mahal na mahal na nya pa rin si guy. Kaya nya pala ako pinili kasi AKALA NYA, mas mahal nya ako. Ako naman naniniwala sa "IF YOU REALLY LOVE SOMEONE SET HER FREE..." so i set her free, kaso as times goes by pasakit pala ng pasakit na araw araw mo syang makikitang nakangiti sa monitor kasi kausap nya ung guy tapos ako nagmamaktol sa inis.After three months or so, eto na binigyan na kami sa office ng invitation. Kasi ikakasal na sya.... naisip ko na SANA AKO YUN EH. Pero hinayaan ko na, kasi pagkatao ko na rin ang naapakan. Pride na lang ang natitira sa akin.

Makalipas lang ang ilang taon me nakilala nanaman ako na customer naman namin sa work na pinapasukan ko. Maputi, sexy, cute, batam bata, mabango lahat na ata nandun. Kakaiba to dahil lahat ng physical aspect na gusto ko sa girl e nasa kanya. Hindi naman kami nagtagal nito dahil ang pagibig namin ay nabuo lang sa "Subukan nga natin"... ang nangyari nga lang, inakala ko na sineryoso nya ako kaya naman sineryoso ko sya. Masakit ang pagkakabreak dahil halos 1 week namamaga ang kamay ko, gago rin kasi ako sinapak ko ba naman yung poste ng "NO PARKING" ayun. Isama ko na rin ang issue na may barkada syang EPAL!

NGAYON... at sa KASALUKUYAN.... nakilala ko naman ang tunay kong Pagibig na talaga naman na gusto ko na iuwi na sa bahay at wag ng pauwiin pa ng Laguna. Medyo may pagka mushy sya pero I can live with that. Siya na yata ang masasbi kong RARE FIND. Kasi wala ka ng makikitang mabait, maganda, maalalahanin at mapagmahal na girlfriend kundi sya. At alam kong di naman nya ako iiwanan. Ako lang minsan ay parang kamoteng nagpapaiyak sa kanya. Pero dun ko rin narealize na hindi ako kumpleto pag wala sya. NGAYON KO MASASABI NA.... SYA NA TALAGA....

Ano ang lesson dito???

Sa dinadami dami ng naranasan kong katangahan, hindi ko aakalain na way pala yun para malaman ko kung ano ba talaga ang gusto ko at sino ang gusto kong makasama habambuhay. Minsan kailangan mong maging tanga once in a while para masabi mong sya talaga gusto mo.

-JDB (jaycondabacon)

ADS from Amazon

Sikat na Blog

PROUD MEMBER

MP BIDYILANTI
NUMBSKULL DIV

numbskull