KUMIRIRING ang telepono nang madaling araw....
"Hello, Master Carlos? Si Arnaldo po ito, 'yung
katiwala niyo sa bahay-bakasyunan niyo."
"O, Arnaldo, ikaw pala. Ano't napatawag ka? May
problema ba?
"Um, napatawag lang po ako para abisuhan kayo na
namatay ang alaga niyong parrot."
'Yung parrot kong si Pikoy, patay? 'Yung nanalo sa
bird show?
"Opo, Master Carlos, 'yun na nga po."
"Putris .. sayang! Ang laki pa naman ng nagastos ko
sa ibong 'yon.
Hay, buhay! Teka, ano nga ba ang ikinamatay niya?"
"E, kumain po kasi ng bulok na karne...."
"Bulok na karne? At sino namang salbaheng tao ang
nagpakain sa kanya ng bulok na karne?"
"W-Wala po. Nanginain po siya ng karne ng isang patay
na kabayo."
"Patay na kabayo? Anong patay na kabayo, Arnaldo?"
"E, 'yun pung mga thoroughbred horses niyo, Sir.
Namatay po kasi lahat sila sa pagod, kahihila ng
kariton ng tubig."
"Nasisiraan ka na ba ng bait? Anong kariton ng
tubbbiiiiggggg? "
"'Yun pong pinampatay namin ng sunog."
"Diyos ko po! Anong sunog naman 'yang pinagsasasabi
mo?"
"'Yun pong halos tumupok sa bahay niyo.... Tumumba po
'yung isang nakasinding kandila, tapos nagliyab 'yung
kurtina at mabilis na kumalat ang apoy..."
"Ano? Puuut*#*@?!@ .... E, may kuryente naman diyan sa
bahay-bakasyunan, a.
Para saan 'yung kandila?"
"Para sa burol po."
"Ano? Kaninong burol?
"Sa nanay n'yo po, Sir. Bigla kasi siya dumating dito
nu'ng isang gabi, walang kaabi-abiso. Lampas
hatinggabi na. Akala ko po magnanakaw. Binaril ko."
How to Delivery Bad News
Labels:
Gil Concepcion,
How to Deliver Bad news,
Jaycon,
jaycon the bacon,
jokes
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
ADS from Amazon
Sikat na Blog
-
Ok usapang pulitiko naman tayo, at iwasan muna natin ang mga kasawian, robot robotan at kung ano ano pa. Gusto ko naman ilabas ngayon ang ak...
-
BACONED RATE: 1100/10 Bacons ewan ko ba sa tuwa ko sa picture na ito di ko mapigilang tumawa ng tumawa. Eto rin siguro ang mga brief ng mga...
-
What you are about to see is a footage of how fast these criminals can take your belongings. Special thanks to the person who uploaded this...
-
Lahat naman ng tao dumadaaan sa masayang pagibig at sa panget na pagibig. Pag naranasan mo parehas yan, masasabi mong maswerte ka kasi kaya ...
-
Day Spas are everywhere, as a matter of fact, its booming and become another necessity for each. But then again, which of these spas can g...
-
Sana po walang mag react ng bayolente hehehehe... perstaym ko po itong ginawa
0 Comments:
Post a Comment