Ano nga sabi ni Rizal?

Ano nga ba uli ang sinabi ni Rizal tungkol sa kabataan... "Ang kabataan ang pag asa ng kinabukasan ng ating bayan". Kalat ito sa mga textbook na binabasa ko mula grade school hanggang sa mag kolehiyo ako. Alam kong wala akong karapatang manghusga, pero base sa aking mga nakikita ko sa paligid, na tila ang mga kabataan ay napapariwara na.

Sa pagpasok ko sa trabaho bawat umaga hanggang sa paguwi ko, ang unang sasalubong sa akin bata... batang nasa edad 8 pataas, kumpulang nanghihingi ng barya sa mga bawat dumadaang tao. At sa kabilang banda makikita mong mga kabataang nagsusugal ng cara cruz, sabay hithit ng sigarilyo at rugby. At ang pinaka masaklap lumakad ka lang ng konti sa kinaroroonan ng mga batang palaboy ay ang presintong ginastusan ng gobyerno este ng taong bayan bilang proteksyon sa mamayan partikular ang mga kabataan. Ang presinto na sinasabi ko ay laging walang laman, isa lang pala itong display sa aming lugar.

Photos courtesy of http://www.jamesbiron.com


Sinubukan kong bumili ng diyaryo, at ang laman ng pahayagan... "Kinse anyos na anak nireyp ang nanay!"... "7 Kabataan patay sa rambulan"... "15 anyos na binatilyo nahuling nandudukot"... at kung ano anong kabalbalan at ka shetan ang alam sa mundo. At isa lang ang pinagmulan ng mga balitang ito... Droga at Kahirapan.

Ayokong sisihin ang gobyerno pero ayokong sabihing wala silang pananagutan sa mga ganitong usapin. Ang mga magulang na siyang dapat na maging gabay sa kanila ay mismo pang pasimuno ng mga kagaguhan.


... may pag asa pa nga ba talaga ang kinabukasan??? O kalimutan na lang natin si Rizal. Magpalit na lang din tayo ng pambansang bayani... hmmmmnnnnn.... gawin na lang natin si "Mark Zucherberg(tama ba spelling ko?)"


PS: Sa mga masasaktan... pasensya na po pero eto po ay base lang sa aking obserbasyon... pwedeng tama ako o pwedeng mali rin ako...

Gil Concepcion

2 Comments:

Anonymous said...

may punto ka sa sinabi mo.. nakakalungkot ngang isipin ang mga sakit ng ating lipunan... sana magkaroon pa ng pagbabago para sa ika-uunlad ng bulsa ng mga politiko.. este ng bayan pala...

jaycon da bacon said...

nadale nyo ser hehehehe! meron pa rin naman siguro kung ang pinuno ng bansa e talagang makabayan at hindi lovelife ang inuuna... hay buhay!

Post a Comment

ADS from Amazon

Sikat na Blog

PROUD MEMBER

MP BIDYILANTI
NUMBSKULL DIV

numbskull