Mga tanong na di ko rin masagot...

1. Bakit pag nagkakaroon ng matinding break ups.. Nagiging CHEATER ang lahat ng Lalaki sa mundo?

2. Pero pag ang babae ang nanloloko ng lalaki... bakit wala akong naririnig na "MGA CHEATER LAHAT NG BABAE SA MUNDO"??

3. Bakit nag boboyfriend ng babaero ang babae at kapag naloko isisi sa lahat ng lalaki? Bakit di na lang mag boyfriend ng di siya lolokohin?

4. Bakit pag lasing ang tao nagiging makulit?

5. Bakit ang iba sa ating mga pinoy dinidiscriminate ang mga "Bisaya", "Negro", "Tsekwa", "Bietkong", pero pag tayo na ang dinidiscriminate ng ibang lahi, pikon tayo?

6. Sino ba si Teteng pag tinawag kang "ANAK KA NG TETENG!"?

7. Bakit marami na ring choosy na panget? (Kapal ng mga pagmumukha!)

8. Bakit may mga taong pinipili ang may sabit? Tapos iiyak pag nasaktan?

9. Bakit minsan sa LRT pag pinaupo mo babae makakarinig ka pa ng Side Comment na "HAY SALAMAT NAGPAUPO RIN!" bakit di na lang mag "THANK YOU"?

10. Bakit may mga taong sadyang matigas ang mukha... naka argabyado na, gusto nila sila pa ang lumabas na naargabyado?

Gil Concepcion's Gunpla Collection

As of this date 8/19/2011

Let me just show you my collections.








The collection started at around 2006 of December. A friend of mine Raymond Carls went to some toy shops to buy presents for my "inaanak". Raymond ask me to build it instead of giving it, curious that I am, I agreed on Raymond's devlish advice. And viola, since then I became a fan of Gundam. I joined a forum group Mechapinoy, back then I was getting bullied by some mods and members,because I was too egoistic and doesnt want to get bullied by someone I didn't knew. But when I get to know them and of course followed all the rules, my passion with gunpla became an addiction. I have friends in MP who understands me more, they became my "barkada".

Back to my collection, I never knew that this will go far, as you all know, the kid in me never grew old and also, the collection was just an excuse for myself to forget someone. It really helps me getting over with that someone who left me into pieces. I didnt say you do the same thing, but I can say, diversion is an effective way to forget someone.

I know, when time comes, I will stop buying for some reasons, but one thing's for sure, My gunplas will remain in my room.

How to Delivery Bad News

KUMIRIRING ang telepono nang madaling araw....

"Hello, Master Carlos? Si Arnaldo po ito, 'yung
katiwala niyo sa bahay-bakasyunan niyo."

"O, Arnaldo, ikaw pala. Ano't napatawag ka? May
problema ba?

"Um, napatawag lang po ako para abisuhan kayo na
namatay ang alaga niyong parrot."

'Yung parrot kong si Pikoy, patay? 'Yung nanalo sa
bird show?

"Opo, Master Carlos, 'yun na nga po."

"Putris .. sayang! Ang laki pa naman ng nagastos ko
sa ibong 'yon.
Hay, buhay! Teka, ano nga ba ang ikinamatay niya?"

"E, kumain po kasi ng bulok na karne...."

"Bulok na karne? At sino namang salbaheng tao ang
nagpakain sa kanya ng bulok na karne?"

"W-Wala po. Nanginain po siya ng karne ng isang patay
na kabayo."

"Patay na kabayo? Anong patay na kabayo, Arnaldo?"

"E, 'yun pung mga thoroughbred horses niyo, Sir.
Namatay po kasi lahat sila sa pagod, kahihila ng
kariton ng tubig."

"Nasisiraan ka na ba ng bait? Anong kariton ng
tubbbiiiiggggg? "

"'Yun pong pinampatay namin ng sunog."

"Diyos ko po! Anong sunog naman 'yang pinagsasasabi
mo?"

"'Yun pong halos tumupok sa bahay niyo.... Tumumba po
'yung isang nakasinding kandila, tapos nagliyab 'yung
kurtina at mabilis na kumalat ang apoy..."

"Ano? Puuut*#*@?!@ .... E, may kuryente naman diyan sa
bahay-bakasyunan, a.
Para saan 'yung kandila?"

"Para sa burol po."

"Ano? Kaninong burol?

"Sa nanay n'yo po, Sir. Bigla kasi siya dumating dito
nu'ng isang gabi, walang kaabi-abiso. Lampas
hatinggabi na. Akala ko po magnanakaw. Binaril ko."

Kwentuhan ni Kurdapya at ni Kamote (uncut version)

"Originally posted wayback 2000+ kopong kopong"

May nagtext sa akin at nabasa ko lang kagabi lang... pero yung text nya nung isang araw pa.. halatang di nag checheck ng inbox ampotah. Busy sa kakalaro ng Farmtown buwiset. Anyway, eto yung text nya... "QUAMOTE, LAST DAY NA DAW NI KURDAPYA KAHAPON, ME ALAM KA BA KUNG BAKIT?" Gulat ako sa text ni KUCHICHAS.So, tinext ko tong si Kurdapya para tanungin kung totoo. Gulat na lang ako nung sinabi nya di totoo. Biglang nag flash back sa akin yung mga time na magkasama pa kami ni Kurdaps, maraming bolsyet na tao na power trip lang ang alam.

Dahil hurt si kurdaps, at naguilty naman ako dahil hindi ko akalain na didibdibin nya yun text ko. So para sumaya ang lahat pinairal ko ang talent ko bilang talipandasero.Sinabi ko na wag ng dibdibin yun dahil kung sa kaalaman lang sa trabaho, olats kami run, kasi mga inuugat na sila dun samantalang kami e bagong tubo pa lang. "Oi Kurdaps, alam mo may mga bagay na alam nila kaysa sa atin kasi matagal na nilang alam yun, pero mayron silang mga di alam na alam natin, kagaya halimbawa ng KAPANGITAN NILA, di nila alam yun. Isama mo na yung katangahan dahil ang alam nila mga magagandang nilalang sila at patuloy nilang niloloko mga sarili nila" Ayun natawa ang gaga tapos sabay bwelta ng "Hindi naman nakakamatay yung bigyan ka ng mababang grade eh, pwede mo pang pataasin yun... ang nakakamatay yung depression, dahil sa magaling ka nga pero di mo naman maipagmalaki pagmumukha mo dahil mukha kang bakulaw at ang pinaka masaklap walang gamot sa kapangitan... kahit mag pa plastic surgeon ka pa at maging kahawig mo si Diana Zubiri... laman loob mo panget pa rin!"

Ayun so ok na si Kurdaps.

ADS from Amazon

Sikat na Blog

PROUD MEMBER

MP BIDYILANTI
NUMBSKULL DIV

numbskull